BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Tuesday, October 9, 2012

Misleading

Ano bang meron sa ginagawa mo
At pag nagawa'y dinadamdam ko?
Masyado ba akong tanga
Na bawa't kilos mo'y pinupuna?

Ang problema kasi, di kita maintindihan.
Eh dati, hindi ka naman ganyan.
Ikaw ba eh bumabawi sa isang kasalanan?
O maaari bang, puso na ang dahilan?

Wari'y ang tanso'y napagkamalang ginto.
O tadhana, sadyang mapagbiro.
Sana hindi nalang nahulog uli.
Sana hindi na naman mauwing sawi.

Ilusyon nga ba?  O totoo na?
Ewan...bahala na.
Basta wala akong hinihingi sayo...
Kung masaktan man, problema ko na to.

0 comments:

 
Real Time Web Analytics