BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Wednesday, November 21, 2012

Gasgas na pag-ibig

Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali
Pag ikaw ay wala sa aking tabi.
Alam ko na ika'y maririndi
Kaya pilit ko itong kinukubli.

Ano ba itong nadarama
Na ikaw lagi ang iniisip sa tuwina?
Tila bang hindi ko kaya
Na kung ikaw, sa buhay ko ay mawala.

Kahit ako ay naninibago
Sa nararamdaman kong ito.
Ngunit sana hindi lang ako
Ang umiibig nang ganito.

Simple lang ang aking hiling.
Sana'y nais mo rin, sa aki'y makapiling.

0 comments:

 
Real Time Web Analytics